Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagtaas ng watawat ng Pilipinas at pag-alay ng bulaklak sa Quirino Grandstand upang gunitain ang ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng bansa.
Ang Dangerous Drugs Board ay buong suportang nakiisa sa selebrasyon at nakilahok sa naganap na Independence Day Parade na naglalayong ipagdiwang ang kasarinlang tinatamasa ng ating bansa sa nakalipas na daang taon, ito ay angkop sa temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”
Kasama ang National Historical Commission of the Philippines, taos pusong inaanyayahan ng DDB ang bawat mamamayan na gunitain ang araw na ito na puno ng pagkakaisa, pag-asa, at paninindigan.