“Anong uri ng sakit ang substance use disorder?”
Marami ang tumitingin sa paggamit ng ilegal na droga bilang usapin lamang ng krimen, maling desisyon, o kakulangan sa disiplina. Ngunit paano nga ba ito nauunawaan ng mga eksperto sa kalusugan?
Sa Episode 5 ng DDBunks, alamin kung bakit ang substance use disorder ay kinikilala bilang isang health condition at kung bakit mahalagang maunawaan ang isang dimensyon nito na madalas hindi nakikita o lubos nanauunawaan ng marami, sa kabila ng mas kilalang mga usapin tungkol sa mga pisikal na epekto nito at mga problemang maaaring idulot sa pamilya, paaralan, trabaho, at komunidad.
Watch the full episode and join the challenge to win prizes!
Ibigay ang tamang sagot na kukumpleto sa pahayag sa dulo ng episode at i-comment ito sa comment section ng mismong video post. Ang unang tatlong makakuha ng tamang sagot ay may chance manalo ng cash prizes.
Abangan din sa dulo ng video ang mga nanalo sa Episode 04 challenge. An authorized DDB personnel will get in touch with the winners regarding the claiming of prizes.
Please note: While the video is posted across all official platforms, entries for the prizes will be accepted via Facebook only.
With DDBunks, alamin ang tama, iwasto ang mali.
#DDBunks #DangerousDrugsBoard #BagongPilipinas